katam

Posted: 2011/08/20 in Uncategorized

sinusumpong na naman ako ng katamaran. ayoko ng pumasok. ayoko ng magtrabaho.
siguro ay dahil ramadan.walang guest. walang kita. walang ginagawa.
mas napapagod ako ng walang ginagawa sa trabaho. mas gusto ko nalang tumambay sa bahay at magpalaki ng balakang kesa maghintay ng oras ng uwian sa trabaho. nakaka urat, nakakabobo. sana matapos na ang buwang ito.

Advertisements

Posted: 2011/08/02 in Uncategorized

hindi man mataas ang inabot ko sa trabaho.. masaya ako dito.

ewan ko kung bakit hindi ako naghahangad na tumaas ang posisyon o anuman pero gusto ko yumamam, kahit hindi na nga yumaman eh. yun bang sapat lang na maging stable ako at ang pamilya ko.

bakit kaya hindi ako naging matalino? hindi talaga ubra, hindi kakayanin. naaalala ko ang joke sakin ng mga kamag anakan ko kapag may palpak ako “mag iodize ka kasi” biro pero masklap kasi masakit ang katotohanang ganon lang ang kaya ng mindrain ko. lalo na sa inglisan. di din ako naging magaling jan. pero hindi ako nagsumikap maging magaling dahil hindi naman ako amerikana para maging magaling sa ganyang lenggwahe.

. .para sakin, sapat nang kaya kong makipag komunikasyon.

 

oh cmon palusot ko lang siguro to sa sarili ko dahil ang tamad kong mag aral nuon. heheheheh…

 

pak op!!!

Posted: 2011/07/20 in Uncategorized

bakit ngayon lang punyeta asar tlga ko dami kong naiisip isulat kanina ngayon lang kumonok after 1 hour shet wala na badtrip tlga. ayoko na.

eto ang ilan sa mga salitang napauso ng hindi sinasadya sa aming lugar.. may mga kinalaman sa tunay o hindi tunay na pangyayari..

1. lansahan – dalawang magkaibang kasarian (pero madalas magkauri ng kasarian) ang naglalandian kapag sumipa na ang espiritu ng alak habang nagiinuman

2. eksema – kahalintulad lang halos ng nasa itaas, ngunit mas nakakarimarim na tagpo ang nagaganap.

3. nilalangaw – ito ang masaklap na pangyayari sa isang dayong lalaki na hinayaang malasing ang sarili dahil siguradong maraming berdeng dugo ang mananalasa kapag sya ay nawalan na ng ulirat. kadalasan, sila ay nananakawan (ng lakas)

4. green peas – ito ang ebidensya ng isang binatilyo ng minsan may nakita siyang green peas sa kanyang patotoy ng siya ay magising galing sa pagkalasing. ang kanyang tanong “sinong kumain ng green peas?!”

5. nguyngoy – kadalasan itong maririnig sa mga taong tinatakasan na ng bait kapag lasing. nguyngoy dahil huni lang ng huni. di maintindihan ang sinasabi.

6. taas balikat – mapapagkamalang may tb kapag nalalasing na. winawasiwas pa ampotah.

7. t*t*ng ligaw – kadalasang mga kalalakihan o kabataang lalaki na naghahanap ng mapupuwestuhan para makainom. ang ending katulad ng number 3.

8. pengeng lima – ang paningit ng mga batang nangaagaw ng trip sa mga nag iinuman. kadalasan ginagawa nila ito kapag lasing na ang mga tomador para madali ang paghingi.

9. denial stage – kapag nabubunsol na sa alak kaya para paraan upang maka pass sa tagay. “ako na naman?!”

10. bente ako – ito ang kadalasang hudyat ng paghahamon at lahat naman ay nahahamon para sa isang masaya, magulo, tahimik, o minsan ay malungkot na session.

marami pa.. dko lang maisip ang iba.. di kasi ako lasing ngayon.. hik!

repost from my fb

Posted: 2011/06/17 in Uncategorized

maraming bagay ang naiisip isulat,ilathala, at nasasayang dahil dumarating ang mga ideya,kabuluhan at panaghoy, sa tuwing hindi mo na kaharap ang mga tiklado na siya sanang magiging ka kakwentuhan,karamay at katsismisan mo sana sa panahong nais mong magsulat,dumaing at magsumbong kahit na sa sarili mo man lang. hindi dahil sa walang gustong makinig, kundi dahil baka walang makadinig.

.. may ganon?

shet.

sakto lang..

Posted: 2011/06/09 in Uncategorized

hindi ako plastic..

civilized lang ako.

ayokong maging bastos..

kuha mo?!!!

flashbak..

Posted: 2011/06/06 in Uncategorized

aminado ako.. eto ang madalas kong problema.

flashback- kagagawan ng nakaraa g inuman.

MASAKIT SIYA SA KUKOTE. PRAMIS.